Usapang E-Bike Batteries (Lead Acid vs Lithium Ion)

Usapang E-Bike Batteries (Lead Acid vs Lithium Ion)

 

1. Presyo 

Ito ang madalas na tanong ng mga bagong e-bike enthusiasts sa Pinas. Mapapansin na madalas ang Lead Acid powered bikes ay napakamura kung ikukumpara ang Volts/Amp Hours sa Lithium Ion na katumbas nito. Ang lead acid ay isang popular na “cost-effective” battery dahil sa chemical composition ng pagkagawa sa kanila. Dahil sa dami ng aplikasyon ng battery na ito, madaling makahanap ng supply at magaayos ng mga sira nito. Madalas itong ginagamit sa malalaking proyekto katulad ng UPS at power systems. Gayunpaman pag ikumpara ang Lead Acid sa Lithium Ion base sa “Price to Energy Density Ratio” nito, mananalo sa “cost-effectiveness” and Lithium Ion.

2. Range 

Kung paghahambing ang dalawang batteries sa “Energy Density”, makikita ang pagiging epektibo ng Lithium Ion. Ang karaniwang “Energy Density” ng ng Lithium Ion ay nasa 125-600 Wh/L habang nasa 50-90 Wh/L naman sa Lead Acid, dito pumapasok ang “Range” o distansya ng byahe. Dahil mas “Energy Dense” ang Lithium ion, pwede itong magamit sa daily commute, matarik na ahon at long range riding. Mahirap gawin ang mga ito kung Lead Acid ang batterya dahil sa bigay at laki nito.

 



3. Charging 
Mas matagal ang charging ng Lead Acid batteries (8- 10 hours) kung ikukumpra sa Lithium Ion (1-4 hours).


YOUR CART (0)

No Products in the Cart
SCROLL UP